ATTENTION: Please CLICK THIS Before Anything

I Like You

Noon palagi mo ako tinatanong, ano ba ang nagustuhan ko sayo? To be honest hirap ako masagot. Kasi nung tayo pa, hindi ko iniisip kung ano ba ang nagustuhan ko sayo, kasi ang tanong after that, pag nawala ba yung mga nagustuhan ko sayo hindi na kita mahal? Well I didn’t want to dwell on that and instead ramdam at alam ko na gustong gusto kita no, mahal na mahal kita. Yung love ko para sayo, unconditional eh, mahal kita bilang si Aiman, at siguro insignificant nalang yung ibang reason.

Pero totoo nga, mas naappreciate mo ang isang tao o bagay pag nawala na ito sayo. Nung nawala na ang ugnayan natin, mas naging clear sakin kung bakit kita mahal. Siguro kasi, narealize ko kung ano yung hindi ko naingatan at nawala sakin. We don’t consciously appreciate our water supply not unless may water shortage diba?

So maybe now I can give a satisfying answer, kung bakit kita mahal, kung ano ang nagustuhan ko sayo.

I acquire new reasons to love you everyday when I was with you. So siguro nung nag stop yung supply ng reasons na yon, mas nakita ko na clearly yung mga nag eexist.

Please note that since I am very keen to details maski maliit na bagay ay malilista ko dito.

Gusto kita kasi napaka unique mong tao. Tipong wala kang kapalit kaya sobrang nahihirapan ako nung nawala ka. Isipin mo, napaka passionate mo sa wiccan, tapos ang lakas mo mang trip, then you empathize to other people, then ikaw din mismo yung matapang na game na game pumalag sa away. Sasabihin mo bobo ka, pero ang totoo napaka wise mo. Napaka peculiar ng combination ng mga attitude mo na tipong napaka interesting mong tao. You are so unpredictable, and yet you never fail to amaze me. Wag mo sabihin na bobo ka, kasi andami kong natutunan sayo. You have widen my horizon, introduced me to new way of thinking, helped in my overall personal growth, and I owe you a lot of enlightening experience. Mahilig umattend ng gig and at the same time natutuwa pag nag nag kukulay ng coloring book. Di mo ba mamahalin yan?

Gusto kita kasi malambot ang totoong Aiman. From the outside, alam ko matapang ka at ikaw yung tipong hindi nagpapa api or at least hindi kakalma hanggat walang bawi. Pero I have also witnessed the soft side of you which I believe the real you. Mababaw ang luha mo, lalo na sa mga aspetong mahalaga para sayo. Kapag nag aaway kayo ni John dati, alam ko lagi ka umiiyak. Kahit ako, napapaiyak kita kapag gusto kita makita umiyak. Naalala mo ba tuwing umiiyak ako, iiyak ka din? Naalala mo ba nung nasa tagaytay tayo, pinaalis moko at pinababalik ng manila mag isa, nung nag impake ako,  umiyak ka – kahit ang totoo wala akong pamasahe. I hindi!! I think nag abot ka ng 500 then yun determinado ka talaga pauwiin ako from our vacation tapos iyak ka den. Hindi lang yun, galit na galit ka sa papa at mama mo pero ang gusto mo lang naman ma appreciate nila yung gift mo tuwing birthday nila. Naiingit ako sakanila, although outstanding yung effort mo sakin, pero yung effort mo sakanila persisting talaga. Tipong kahit maliit na bagay na matutuwa sila sayo ginagawa mo.

Gusto kita kasi you are like a sunflower in a middle of a busy city. Napaka vulnenrable like a little girl yet napaka totoo. Madali makampante ang loob mo tuwing may new found friends ka with the risk na baka i tatake advantage or sasaktan ka lang rin nila. You even open up your feelings to strangers like you’ve known them for so long. You are very true to yourself – no pretension at all. At the same time, kaya napaka importante sakin alagaan ka – not because you can’t take care of yourself but because you can be very vulnerable at times without you knowing.

Gusto kita kasi napaka thoughtful mo. Nobody gets left behind sayo towards sa mga taong may care ka. Tuwing birthday ko, tuwing birthday ng parents mo, tuwing birthday ng friends mo ikaw yung palaging the best ang pasabog. Mahilig ka mag alala at mag bigay sa iba pero alam ko hopeful ka din na makakatanggap ka. Don’t get me wrong, hindi materialistic si Aiman. Kahit bigyan ka nya ng mahal na cake, hindi naman kailangan ganun din ibibigay mo. Simpleng love letter lang kikiligin na yan na parang umiihi. Napaka consistent nito pare, kaya swerte mo pag minahal ka nito.

Gusto kita kasi you are my home. Biruin nyo guys, mag kukutkot ng dandruff to tapos ilalagay sa ulo ko or sa damit ko. Tapos mangugulangot yan at ipapahid sakin hindi lang yun, andami pa ng kulangot nya at basa!!! Pipitas pa yan ng burnick nya tapos ibibigay sakin – JOKE hahahaha eto lang yung joke ah.  Eto seryoso walang malisya pagkatapos nya mag sarili, ipaamoy pa nya sakin. Kaya mahal ko to eh, totoong tao sya. Napaka comfortable ko sakanya tulad ng pagiging comfortable nya sakin. She was my home – my place sacred refuge. Tipong everything in this universe pwede naming pag usapan. Kahit anong problema kaya nya ako icomfort. I feel that there’s nothing else I would want whenever I am with her. And I am glad naging comfort zone din nya ako when we were still together.

Gusto kita kasi trustworthy and faithful ka. Alam nyo ako kasi yung tao na ayaw talaga makaranas ng cheating. I after opening myself and giving my all, mag checheat lang imbes na deretsahan sabihin na ayaw na shit diba? Pero never ginawa sakin ni aiman yan. Kahit isama mo pa sa sampung male model at sya lang mag isa ang babae you can still trust her. Kahit magkagusto pa sakanya si James Reid, hindi ka nya lolokohin. Siguro makikipag break muna sya ng maayos charot HAHAHA. Pero real talk, ang dami umaligid sa dyosa na to pero although uneasy para sakin since sakanya lang naman ako may trust at wala doon sa mga guys, at the end she assured me na ako ang pinipili nya parati. Never ko inisip na magloloko to, pwede mawalan sya ng love sakin pero never magkakaroon ng third party. Sa isa pang aspeto, may word of honor sya. Pag sinabi nya gagawin nya. Moreover, kapag may chismis, sasabihin nya talaga sayo un accurately. Minsan ang hirap lang pag may pinagtatakpan sya like yung friends nya may hindi sinabing maganda, ang hirap nya paaminin na yung behavior towards sakin is because sa mga sinabi ng kaibigan nya. Pero chagaan lang aamin din. Eto pa, tingin nya ang galing nya mag sinungaling at mag paikot ng storya pero everytime her face is screaming that she’s not telling the truth. Hahahaha

 

TEKA LANG

Baka nagtataka ka, yung mga nakalista sa taas are based on how our relationship was pero baka ang gusto mo malaman, ano ba ang nagustuhan ko sayo, bago maging tayo. Well sit back and relax because I will answer you now.

Lets have a trip down memory lane

It was during 2nd year college nung una mo ako nabighani. Gulat ka no? Di ko ata nabanggit sayo to. Akala mo ba deretso na tayo doon agad sa time na tumatambay tayo sa pres o tea?

Going back, alam ko may event sa BEDA non, naka bonnet ka at shorts gabi narin. May kasama kang babae di ko matandaan pero sila candelaria pa ata barkada mo nun. Nakatayo ka near don sa drummer boy statue sa may aisle paliko. Ako paakyat ako nun sa second floor ng St. Maurs. Bago ako umakyat tinititigan kita from afar. Naiwan na nga ako ng kasama ko nun eh. Di ko akalain na mapapansin moko nakatitig syempre nahiya ako. Balak ko na alisin yung tingin ko ng bigla ka ng smile sakin. Syempre ako although break na kami ni Michelle that time, torpe, edi umakyat nalang.

That was the first time na tumatak yung mukha mo sa isip ko. During an ordinary school day, paakyat ako pababa ka. Then napansin kita “uy yung cake face (makapal ang make up mo that time) na nakasalubong ko sya yung tinitigan ko na maganda. Tapos napansin ko, puro BPS kasama mo lagi kaya napagtanto ko na PSYCH MAJOR ka din pala. Naconfirm ko yun although it took awhile bago ko malaman ang buo mong pangalan. I believe kaya ko nalaman ang panagalan mo dahil nakita ko Facebook account mo. Thanks sa group nating mga bedan Psych major sa Facebook na stalk kita. Actually nakita ko yung birthday mo sa profile mo at kasama mo si John sa profile picture mo. Kaya sabi ko, ano ba yan di naman bagay. Pero since taken kana, back off na ako pero inadd parin kita bilang kapwa psych major ng san beda. Di naman kita ginulo nung inaccept mo ko. Ay oo nga pala, nagulat ako nung inaccept moko. Hahahha

May sasabihin ako sayo sana mapatawad moko. Never ko nabanggit sayo to. Since alam ko yung birthday mo, student number mo, I managed to log in yung account mo sa san beda websites. Nakita ko mga grades mo at nakita ko rin yung mga units na nacredit from your previous school. Alam ko wala ako napala but I just want to try kung gagana ba kasi naman yung beda, napaka prone sa hacking yung default set up ng mga accounts natin. Oo ngapala nalaman ko student number mo kasi pinost mo yung ID mo sa FACEBOOK.

Going back, since alam kong taken kana at kilala na rin kita at friends na tayo sa Facebook. Wala na akong further move. Ayun nakikita kita sa Facebook at school, casual lang na stranger.

Fast forward sa unang chat natin. Nag pm ka sakin kasi nanghihingi ka ng favor. Gusto mo isend ko yung thesis ko sayo to serve as a guideline for you. Since yung kay Jimariel ang ginagawa ko that time (ginawa kong negosyo ang paggawa ng thesis 500 pesos each tapos apat client ko.), yung kanya yung sinend ko sayo. Nagpasalamat ka nun kasi wala kana talaga ma chat na iba. Well thank God wala ka ma chat nun kundi ako ayieee. Kinabukasan, bumili ako ng yosi doon sa tindahan sa may first strip. Sakto palabas kayo nila candelaria pero ikaw nagpunta ka rin sa tindahan at bumili ng yosi kahit hawak mo yung isang pack mo ng yosi.

HULI KA BALBON

So gusto mo lang talaga to have a small talk with me over cigarette. Pero dahil inaantay ka nila candelaria at inaapura, umalis din kayo. Alam ko napaka thankful mo lang na sinend ko sayo yung thesis na hinihingi mo.

Wala na tayong further connection noon hanggang matapos ang semester. Nung bagong semester, gulat ako may klase ka samin. Buti likod kami nauupo ni Akeem. Although sa gilid kayo lagi nila Jack and Iya, lagi ka namang late eh kaya dun ka rin sa may pinto which is our area nauupo. Si Akeem ang kinakausap mo non, classmate pa tawag mo.

Ewan ko naging close lang kayo bigla nag kaka text pa. Pero ako hindi naman agad ako nakikisali sa usapan nyo. Basta bigla nalang tayo nag usap, tapos inaaya mo ako ng yosi after class. One time di tayo nag uusap naglalakad ako sa unahan mo bigla moko hinampas sabi mo Huy Yosi tayo. Sabi ko naman, tara! Kahit alam ko 5 minutes lang ang pagitan ng susunod naming subject. Ikaw break mo na nun eh. Pero sige yosi parin, kahit ma late. Taena takbo ako nun eh pabalik ng room kahit after lang mag yosi hingal na hingal ako pucha. Tapos umabot rin naman ako sa attendance pero andun na yung prof.

So yun, barkada na tayo nila Akeem. Dumating sa point na mas barkada mo pa kami kesa kanila Iya at Jack kasi wala silang time pag uwian mo na. Eh kami meron at gusto ka naming samahan. So yun, binibiro kita na pauutangin kita para sa birthday ni John ng 500 gawin mo lang yung ART project ko. Aba wow ginawa nga nya kaya napa hagis ako ng gusot na 500 bill. Hahaha

Lagi tayong tambay sa pres o tea o di kaya minsan sa starbucks hanggang nawala si Akeem at tayo nalang. Pero wag ka diba one time nakatambay tayo sa pres o tea pinuntahan pa tayo ni Akeem galing sya sa makati? Ayun si Ernest naman pasulpot sulpot hanggang sa naintroduce na satin Odz.

Pero mas nauna namin nameet ni Akeem si John. Haha diba nga bubugbugin daw nya si Akeem.

Tuwing tumatambay tayo sa kung saan man, napapalapit ang loob ko sayo. For once, nakakita ako ng kaibgan na totoo at hindi ko kailangan mag pretend para magustuhan ako. Kaya nagsisi ako nung biglang hindi na tayo nag sasama at andun ako kela Bea. Hindi nga tayo bigla nag batian nung nagkasalubong sa may papuntang KFC.

Pero tang ina, iba si Aiman, mas magaan loob ko sakanya kasi totoo syang kaibigan. Karamihan kasi ng nakikilala ko sa beda, parang may certain expectation sila from you eh para mag click kayo. Si Aiman hindi eh, be yourself and she will be herself at legit na mag eenjoy kayo. Walang pretension si Aiman at wala syang paki sa sasabihin ng iba.

Ayun, kailangan kong mamili at I prioritized my friendship with Aiman over Bea and the group.

Sabi pa nga ni Bea one time, hoy pinag antay moko ng 2 hours, tapos kasama mo pala si Idris.

Anyway ayun napunta sa point na lagi tayo magkasama at si Akeem at hindi na ako masyado sumasama kela Bea.

Ang dami nating ginawa, nag Rockband tayo, kumanta kapa ng wonderwall at ang sarap pakinggan. May dala pa akong NIDO na gatas non na binili ko sa grocery para ako rin iinom. Hahaha

Di ko maalala exactly kung pano ko pinakilala si Kevin sa inyo. Ang alam ko lang nasa pres o tea kayo ni odz at nagpunta kami then I introduced him. Tapos dumating si John at dahil walang upuan eh kumandong kapa sakanya. Pinakilala ko si Kevin sa inyong lahat including John as a student of Ateneo. Hahaha

Yun na meet din natin si Sarah Carlos kaso ang bitchesa ni gaga kaya nakita ko sa mukha mong  na hassle ka at pawis. Pero solid tambay nating tatlo ni Kevin palagi sa Makati.

Nag EK din tayo diba as barkada including John. Yun nga lang, although dumidistansya ako sayo para di na umusok ilong ni John, kapalaran parin ang gumagawa ng paraan. Sa anchors away random lang yun tapos nakita ko sa picture na tayo pala yung magkatabi at nasa gilid rin si John. Basang sisiw kana non dahil doon sa duck na may water gun. Binasa ko si John dun eh, tapos nung gumanti sya sabi ko wag, tinigilan ako. Hahaha

So going sa matinding paglalabuan nyo ni John. Wala kaming alam ni Kevin nakasalubong pa natinsa LRT at habang kumakain tayo sa KFC nag aaway na pala kayo.

Well hindi naman agad naging tayo eh, nag resorts world pa tayo nila kevin at kumain sa hambugeran. Bumili pa ako ng fake na sperry at polo na pink to impress you. Hahaha eh yun pala, nanghihingi ka ng sign tapos yung isang sign is yung kulay ng damit ko na dapat pink.

Ilang beses tayo uminom  sa harbor square diba tapos hinahatid ka namin sa OTIS.

Binati kita nung birthday mo ng napakahaba at well thought na greeting tapos deadma ka lang kaya nagtampo ako. Yun pala hindi mo nabasa hehe at hindi tayo natuloy sa batangas. Nag celebrate tayo sa tagaytay bag of beans.

Naliligaw pa nga tayo tapos may pinagtanungan ka na mukhang pobre. Although alam nya yung way, nag follow up questions kapa like “ano masarap dun kuya” hmmmm ang BB insensitive. Kasi mukha namang hindi nya afford kumain dun.

Well yun na nga nag celebrate tayo ng birthday mo tapos na late pa si ODZ then nag rent tayo ng bahay to stay. Hayy if only I can return and relive that very moment, hindi na kita papakawalan.

Nauna kapa naligo habang tulog kami hehe pero ang totoo wala kang dapat ipag alala. Si odz nga ginawa pa nyang kortina yung towel nya. Hindi ako tulog nun, actually never ako nakatulog nun. Yun lang nag panggap akong tulong para comfortable ka mag ayos sa sarili mo.

So going back manila, biglang nag fade si odz, naging busy. Tapos si Kevin hinatid natin sa Airport.

Then nung dalawa nalang tayo, dun nagsimula magkaroon ng something special. Wait alam mo ba natakot si tita dahil late na ako umuwi after natin ihatid si Kevin sa airport? Akala nya nawala ako or wala akong pamasahe pabalik kaya balak na nya pumunta sa pulis. Hahaha Well tumambay pa kasi tayo nun sa MOA after.

I just realized all this time na napaka saya ko. Hindi ba obvious at napaka fresh parin sa memory ko until now at enjoy na enjoy ako magkwento.

So sana obvious na kung ano ang nagustuhan ko sayo bago pa maging tayo.

I feel at home with you. You were like the girl version of me although we are not exactly similar but your personality compliments mine. Sabi mo nga, sarap siguro maging kapatid ni Joseph.

Every time I saw you cry, I feel bad because I believe you do not deserve to be hurt and that you deserve to be treated better. I wanted to save you from the bottomless pit of sadness. That’s when I realized that I care a lot about you.

Siguro namuo lahat ng affection ko towards you sa lahat ng pinagsamahan natin at napaka CLICK natin.

You are an extraordinary girl, and I wanted to spend my time with you as much as possible.

So yun, dahil alam kong nakukuryente ka tuwing mag didikit ang balat natin,

one time diba? bigla kita hinolding hands sa labas ng pres o tea. Nung una pumapalag kapa pero nag give in ka din hehe. Siguro nakukuryente ka lang. Hanggang sa nawala yung kuryente. Lagi na tayo magkadikit.

Naalala ko, sabi ko pa sayo nun, “Aalagaan kita”

Hala sige, gawa nalang ako ng part 2 nito since marami pa akong gusto ishare about sa nagustuhan ko sayo. Kaso more than 3k words na to at hindi na ideal para basahin dahil sobrang haba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *